20 November 2012

Widgets

Pasasalamat ng isang OFW Seafarer

Ito ay isang liham ng butihing seafarer na lubos nag papasalamat sa mga taong tumulong makamit ang kanyang mga pangarap.... basahin ang Pasasalamat ng isang OFW Seafarer.

Ikinalulugod ko pong pasalamatan ang lahat ng mga tao at kawani ng gobyero ng ating republika ng pilipinas na tumutulong sa mga kagaya kong ofw na makaalis at makipag sa palaran sa ibang bansa. ako po si paragas mark anthony b. paragas tubong makati city at isang ofw na nagttrabaho bilang isang seaman. 25 taong gulang ako ngayon at nagsimula akong mag abroad sa gulang na 21. lumaki akong di masyodong nakagisnan ang aking ama sapagkat siya rin ay isang ofw.

Ang buhay ng isang marino na kagaya ko ay hindi biro. inihahalintulad ko ang sarili sa isang isda na kung saan may tubig ay nanduroon din dapat ako para mabuhay.sa tubig ako kumikita ng ipang tutustos ko para sa aking pamilya. ganun ang buhay ko bilang isang marino. sa totoo lang sa twing lilisanin ko ang pilipinas at ang aking pamilya ako ay naiiyak sa dahilang di ko alam kung ako ay makakabalik pa ng nasa maayos na kundisyon dahil halos ang kalahati ng buhay naming mga marino ay nasa hukay kada maglalayag ang barko. o kung hindi naman baka ako ay palitan ng aming kumpanya na kadalasan ay nakikita ko ding pinoproblema ng aking mga kasamahan. sa totoo lang ang buhay naming ofw ay walang kasiguraduhan sa lahat ng oras at pagkakataon.

Dahil hindi madaling mawalay sa mga minamahal namin sa buhay dito sa pilipinas. ganun pa man hanggat may pag kakataon ako sinisikap ko pa ding mapaunlad ang sarili at itaguyod ang aking pamilya sa marangal na paraan ng dugo't pawis at kakarampot na kinikita. ako ay nangangarap na balang araw ay magsisilbing gabay sa mga taong nawawalan ng pag asang umulad at abutin ang mga pangarap. sa sakripisyo nagmumula ang pagmamahal..... at ang pagmamahal ang magbubuo sa mga pangarap.



Lubos na nagpapasalamat

Mark Anthony B. Paragas
Ofw Seafarer


Featured picture on this post is taken from http://inzones.com/picturezone/free-boat-photos.htm
Where you stay is half the adventure - RealAdventures
 

Concourse of an Overseas Filipino Worker Copyright © 2011 | Template design by O Pregador | Powered by Blogger Templates