18 December 2012

Widgets

SSS-PEBA: Honors OFWs' "Bilib Kami Sa'yo"

Bilang OFW, kay masarap pakinggan na may mga organisasyon pribado man o hindi na may malasakit sa mga pag hihirap ng ating mga bagong Bayani ( Ang mga Overseas Filipino Workers).


Araw araw na lang siguro mabalitaan ninyo na kung saan man sulok ng mundo may mga kababayan tayong nag hihirap para lang makamtan ang simpleng pangarap.

Meron man mga nag wagi sa laban at sa ngayon masagana ang buhay na kinalalagyan. Pero masakit din naman isipin na marami din ang umuwing luhaan. Nakulong man dahil na pag bintangan o kusang may nagawang kasalanan. Ang lahat ng ito ay totoong Masaklap na katotohan

Kaya sa taong ito, Ang SSS (Social Security System) at ang PEBA (Pinoy Expat/ OFW Blog Awards) ay nag daos ng isang patimpalak bilang pag pugay sa ating mga minamahal na kababayan kung saan naninirahan man o nag tatrabaho sa ibang bansa.

Ang Minsahe, “Miyembro Bilib Kami Sa’yo” ay nag papatunay na ang SSS ay kabalikat ng bawat OFW o migranteng Pilipino. Pina paabot ng ahensyang ito ang kanilang tapat na tungkulin bilang isang “Financial Security entity” kung saan handang tumulong mag lagak ng ating pera para sa pinansyal seguridad at kinabukasan ng ating pamilya.

Bilang isang OFW, hindi lahat ng panahon tayo ay may masaganang kalakasan. Kailan man hindi natin hawak ang siguridad ng ating hanapbuhay, pwede ka tatangalin anong oras man o di kaya’y ma aksidente at ma baldado.

Tanungin mo ang sarili mo, ikaw ba’y handa mawalan ng trabaho o di kaya ma imbalido dahil na aksidente sa pag tatrabaho?

Ang SSS ay handang tumulong at aalalay sa iyo. Kabalikat mo sa pagsulong sa bawat antas ng panibagong buhay. Mahirap ka man o mayaman ang SSS ay maaasahan sa seguridad ng iyong kinabukasan.

Links : http://www.pinoyblogawards.com/2012/12/photo-contest-winners-of-sss-peba-bilib.html
Where you stay is half the adventure - RealAdventures
 

Concourse of an Overseas Filipino Worker Copyright © 2011 | Template design by O Pregador | Powered by Blogger Templates