02 April 2013

Widgets

Samu't saring kwento sa larawan ni kabayan




Kadalasan,tawagan ng mga kapwa OFW ay kabayan, kahit minsan sa pananalita ay di nag ka intindihan  pero sa mga kilos naman ay nag kaunawaan.

Masaya at magulo pag nag samasama dahil kanya kanyang kwento sa sariling kaganapan, marahil yon lang naman ang pag kakataon sa masasayang tagpuan. 

Minsan pa nga may iyakan, tawanan, inuman o awayan pero madalas lahat nadadala sa  kantahan.

Sabi nga nila ang buhay ni kabayan ay parang  teleserye, bawat  aksyon ay buhat sa diskarte dahil sa pahamak na pangarap kahit ano tanggap suwerte man o malas. 

Masaklap man ang buhay, buo pa rin ang loob. Nakikipaglaban sa mga pagsubok na nakakapit at handang iwaglit.

Sa ibayong bansa, buhay ni kabayan ay may samut’ saring mukha, bawat angulo ay may kulay, isang pintura sa mga pangarap ng buhay.

 Basahin ang kwento sa mga larawan ni kabayan! Di pwedeng husgahan , bagkos sympatya ang kailagan.

 Ang kanilang pinagdaan ay pawang katotohanan, mga totoong pangyayaring minsan kinalimutan ng ating pamahalaan.

Sino ang kanilang kakampi? Sino ang sasagip sa  nasawi?.....

              
Basahin ang samu’t saring kwento 

               sa mga larawan ni kabayan…..







Where you stay is half the adventure - RealAdventures
 

Concourse of an Overseas Filipino Worker Copyright © 2011 | Template design by O Pregador | Powered by Blogger Templates